Ang Hypebeast
Ang Hypebeast ay
isang tao na sumasabay sa popularidad ng streetwear fashion. Nangongolekta
sila ng mga damit, sapatos, at iba pa na galing sa sikat na tatak. Sila ay kilala din dahil sa halos pagsamba
nila sa mga tatak na ito.
Kamakailan
lang umusbong ang mga Hypebeast, at ngayon kinikilala sila bilang bagong jejemon. Inspirasyon nila ang mga sikat na tatak ng streetwear katulad ng Stüssy, Supreme, at BAPE.
Dahil sa kamahalan at limitadong bentahan ng genuine na streetwear, madalas ay pekeng kopya ang sinusuot ng mga Hypebeast, na nagbibigay sa kanila ng negatibong reputasyon.
Ang simula ng Hypebeast
Bago ginamit ang salitang hypbeast bilang pantukoy sa mga mahilig sa streetwear, pangalan ito ng isang fashion blog. Itinatag ang Hypebeast
noong 2005 ni Jack Ma bilang isang sneaker blog. Pinaglingkuran ng Hypebeast ang mga Sneakerheads, o taong mahilig sa mga
sneaker. Tumulong ito sa pag-review ng mga sapatos, at pagtukoy kung saan makabibili ng pares. Nagkaroon ng malaking impluwensya sa sneaker
community ang blog at mas lumaki pa ito dahil sa pagbanggit nito ng mga
artista. Ngayon, umunlad ang Hypebeast bilang editorial na nakasentro sa fashion, at dito nagsimulang umusbong ang ating pagkakaintindi ng Hypebeast sa kasalukuyan.
Sa kamakailang pagsikat ng mga hip hop artists tulad ni Kanye West, Lupe Fiasco, at Trinidad James (na binanggit ang blog mismo sa kanyang kantang All Gold Everything,) higit pang naging bahagi ng mainstream ang Hypebeast dahil sa pagtangkilik nila dito. Sumunod sa mga hip hop artists ang mga social media influencers, at hindi matagal bago ipinakilala ang Hypebeast sa Pilipinas. Katulad ng ibang nauuso sa kulturang popular, sinundan ng masa ang nakita nilang streetwear sa Hypebeast.
Ang Hypebeast at ang mga klase ng panlipunan
Kahit hindi ito nais gawin ng kulutrang Hypebeast, nagpapalaganap ito ng paghahati sa lipunan. Napakataas ng presyo ng mga produktong streetwear. Isang t-shirt galing sa Supreme ay nangangahalagang Php 1.5k, na napakalaki (para sa iisang piraso ng damit) kung ikukumpara sa taunang kita ng isang karaniwang pamilya sa Pilipinas na Php 267k. Nangangahulugang ang mayaman lang talaga ang may kakayahang makabili ng orihinal na streetwear, at kinakailangang sa pekeng kopya bumili ang mga gustong makisama sa streetwear kahit hindi sapat ang pera. Dito, nagkakaroon ng isyu - mag mga tumitingin ng mas mababa sa mga tumatangkilik sa peke kahit maliit lang o halos wala itong pinagkaiba sa orihinal. Nagkakaroon ng agwat sa mga bumibili ng orihinal at ng peke, sa mga may kaya at wala. Sa huli, napakalaking kaguluhan ang lahat na ito para sa wala - damit lang naman ang pinag-uusapan, maging sino man ang nagbebenta at bumibili.
Ang pagkumpara ng Hypebeast sa iba pang mga isyu
Ang isyu sa paghahati ng lipunan ukol sa mga napakasimpleng konsepto tulad ng pananamit at kulutrang Hypebeast ay nakikita rin sa wika at slang. Isang simpleng halimbawa ang salitang deins. Umusbong ito mula sa mga salitang pinagbaliktad ang pantig tulad ng yosi (sigarilyo) at astig (tigas.) Unang nagging uso ang mga slang na ito noong 70s, at napanatili ang kanilang katanyagan hanggang ngayon.
Naiiba ang deins dahil ang mataas na
gitnang uri ang tanging demograpiko na gumagamit pa rin nito. Dahil dito,
nagkakaroon ng konotasyon na pang konyo lang ang salitang ito, kahit na malaya
itong ginagamit noon. Malaya dapat ang pagpapahayag ng ideya, at kung may isang konseptong hindi dapat kinakahon dahil sa mga sosyo-ekonomikong antas, ito ay ang wika. Kahit nakakatawa minsan ang pagkahon natin sa mga salita bilang jologs o conyo, hindi dapat ito nakakahadlang sa ating pagpapahiwatig ng nais nating sabihin. Hindi lang totoo it para sa wika, pero para na rin sa pananamit, at maging ano pang aspeto ng araw-araw na pamumuhay.
Sanggunian:
Comments
Post a Comment